Dinaluhan ng mga Barangay officials mula sa iba’t ibang barangay sa syudad ng San Carlos ang isinagawang Barangay Consultative Meeting sa kanilang syudad.
Layunin ng lokal na pamahalaan na maging bukas at handa silang makinig sa mga inaasam ng kanilang nasasakupan, ganun na rin ang pamimigay ng maayos na serbisyo.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Brgy. Consultative Meeting, naipapaliwanag nang mabuti ng gobyerno ang mga kasagutan sa pagreresolba ng mga problema sa barangay.
--Ads--
Sa aktibidad na ito ay naging malaya ang mga barangay sakanilang mga hinaing patungkol sa mga isyu o problemang hinaharap nila nang sa gayon ay masolusyunan ito.
Naging maayos at matagumpay naman ang nasabing programa dahil ang kalahok ay aktibong nakisali sa mga usapin.