BOMBO DAGUPAN – Nagpaalala sa mga consumers ang ang toxic watchdog group sa pagbili at paggamit ng ceramic mugs na maaaring may bahid ng mga mapanganib na kemikal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Thony Dizon, Advocacy and Campaign Officer ng BAN Toxics, dahil halos pagkain at inumin ang inilalagay sa mugs kaya may posibilidad na maexposed ang mga gagamit sa kemikal.
Aniya, hindi lang ang mga may edad ang gumagamit ng mga dinnerware kundi maging ang mga bata rin dahil sa mas makulay at mas maraming disenyo.
Kaugnay nito, sinabi ni Dizon na ang Department of Trade and Industry o DTI na siyang nangangasiwa sa mga pamilihan ang dapat na tumitingin sa health and safety standards ng produkto.
Ngunit nalilimitahan lang sila sa monitoring sa presyo ng mga bilihin.
Habang ang Department of Environment and Natural Resources o DENR naman ang lead agency na nangangasiwa sa pagkontrol at pagregulate sa paggamit ng kemikal sa mga produkto.
Una rito, nadiskubre ng grupo na batay sa kanilang pagsusuri na ang mga sample mugs ay mayroong lead sa antas na 61 parts per million (ppm) Hanggang 8,700 ppm at dicadmium mula 56 ppm hanggang 1,130 ppm.
Natuklasan din na ang mataas na concentrations ng lead at cadmium ay nasa paint-coated designs.
Ang cadmium ay kilalang may toxic effects sa kidney, skeletal system at respiratory system at nauri bilang human carcinogen.
Gayunman, plano pa rin ng grupo na isumite ang mga samples sa Regulatory agencies para sa karagdagang pag-analisa at upang itaguyod ang mga pagbabago sa patakaran at regulasyon.