BOMBO DAGUPAN – Walang nakikitang problema ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa supply at presyo ng karne ng baboy at manok sa buwan ng Disyembre.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, chairman ng SINAG, sinabi nito n wala rin siyang nakikitang problema sa supply ng gulay dahil tuloy tuloy ang pagdating ng mga gulay dito mula sa upland.
Hindi naman aniya gaanong napinsala ng bagyo ang mga ilang pananim na gulay.
Sa presyuhan ng karne ngayon, tinatayang nasa P180-185 ang live weights ng babboy habang bumaba naman ang presyo ng live weight na manok mula sa P110 ay P90 na ngayon.
Kaya dapat aniya ang retail price ng manok ay nasa P150- P160 habang sa baboynaman ay nasa P285- P300.
Samantala, maaring may bahagyang pagtaas sa presyo ng bigas dahil medyo tumaas ngayon ang farm gate price nito.
Dati nasa P21 ang farm gate price pero ngayon ay umabot na umano sa P23.