BOMBO DAGUPAN -Aminado ang Samahang Industriya ng Agrikultura na may nararanasan pa ring oversupply ng pulang sibuyas sa bansa.
Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng SINAG, nasa cold storage facility ang mga sobra sobrang sibuyas.
Ang pinoproblema ng mga ito ay umaabot na ng ilang buwan ang mga sibuyas sa coldstorage.
Aniya, halos P500 per bag ang binabayad nila sa cold storage.
Ang rason ng over supply ay maraming nagtanim ng sibuyas dahil sa magandang presyo nito datio. ang resulta ay maraming stocks at pagkalugi ng mga magtatanim ng sibuyas.
Ito ay taliwas sa naung reklamo ng mga magsasaka na ang dahilan ng ang pagbagsak ng presyo ng sibuyas dahil sa mga imported.
Matatandaan na noong Enero ng kasalukuyang taon nang sumadsad na ang presyo ng sibuyas sa P10 hanggang P50 per kilo sa Bayambang, ang major producer ng sibuyas sa sa Pangasinan.