Nagtipon-tipon kagabi ang mga taga-suporta ni Vice President Sara Duterte sa harap ng Veterans Memorial Medical Center, sa syudad ng Quezon upang ipakita ang kanilang pagkadismaya sa gobyerno.

Matatandaan na sa nasabing ospital kung saan dinala so Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez noong biyernes nang magkaproblema ito sa kaniyang kalusugan.

Lumuwas pa mula sa iba’t ibang probinsya ang mga dumalo sa pagtitipon upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa bise presidente.

--Ads--

Giit nila na sumosobra na ang ginagawa ng pamahalaan kay Duterte lalo na sa mga pang-aapi.

Dumalo rin ang mga vloggers at iba pang mga indibidwal upang makiisa kung saan hinihikayat nila ang mga napapadaang motorista sa pamamagitan ng pagbusina ng kanilang mga sasakyan.

May mga dumalo naman na ipinapanwagan ang pagbitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pwesto bilang presidente ng bansa.