Iniimbestigahan na rin ng Department of Justice (DOJ) ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa di umano’y hired killer nito para paslangin sina President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Martin Romualdez sa oras na paslangin din siya.
Ayon sa ahensya, kung magkaroon man sila ng ebidensya ay maaari itong magtungo sa paghahatol.
Sinabi naman ni Former sen. Leila de Lima, maaari rin maharap sa kasong kriminal ang bise presidente.
Aniya, maaaring pagbasehan ang anumang may kinalaman sa Revised Penal Code o anumang espesyal na batas sa pagsampa ng kasong kriminal laban kay Duterte.
Sinabi rin niya na kagagawan ni Duterte ang kinahinatnan ni Lopez, at dapat lamang na harapin na nito ang pagdinig sa budget ng office of the vice president.
Gayunpaman, nilinaw naman ng bise presidente na hindi pagbabanta ang kaniyang naging pahayag at binigyan diin na may pagbabanta lamang sa kaniyang seguridad.