Nagsagawa ng Basic Incident Command System Training Course ang Lokal na Pamahalaan ng Anda Kasama ang mga empleyado ng munisipyo.

Kung saan ang pagsasanay ay nagbigay ng kaalaman sa mga pamamaraan ng pagpaplano para sa mga paghahanda sa anumang uri ng kalamidad at ano ang mga dapat gawin. Sa pamamagitan ng pagsasanay ay magagamit ang kanilang oras ng sakuna at mga hindi inaasahang insidente sa bayan.

Dinaluhan ng mga opisyal mula sa Office of the Civil Defense na nagsilbing speaker tulad nina Mr. Elvis Quitalig, Mr. Alvin Contreras, Mr. Argie Gattoc, at iba pa, na nagbigay ng kanilang ekspertisa sa pagsasanay para sa mga nagging kalahok.

--Ads--