Dagupan City – Nagsagawa ng Buntis Congress ang Brgy. Lasip sa bayan ng Calasiao.
Layunin ng programang ito na magbigyan ng edukasyon o kaalaman, suporta, at mga serbisyo ang mga kababaihan sa kanilang komunidad.
Ayon kay Jennifer Caacbay, Midwife Nurse ng Brgy. Lasip, nais nilang matulungan ang mga buntis sa kanilang brgy. na maghanda para sa panganganak, maging maayos ang kalusugan ng mga ito, at magbigay ng tamang impormasyon patungkol sa pangangalaga sa kalusugan.
Sa aktibidad, nagkaroon sila ng mga seminar sa pangangalaga ng kalusugan ng ina at bata, nutrisyon, pagpapaanak, at pagpapasuso.
Namigay rin sila ng libreng medisina, prenatal care, check-up, at iba pang mga serbisyo ng kalusugan.
Kung saan tinutukan din ng mga ito ang teenage pregnancy dahil sila ang pinaka-nangangailangan ng gabay patungkol sa pagbubuntis.