Dagupan City – Dahil sa pagdiriwang ng Diocesan Christ the King Celebration na nagsimula noon pang biyernes Nobyembre 22 at hanggang ngayong araw Nov 24, 2024 sa Bogtong School Complex sa Brgy. Bogtong Centro sa bayan ng Mangatarem ay inaasahan ang pagdagsa ng mga delegado at bisita mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan na aabot naman sa daalwang libo kung kaya’t inaasahan din ang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko ng mga pribado at pampublikong sasakyan sa mga kakalsadahan lalo na isasaagwang prosesyon ng mga ito.

Kaugnay nito ay nag-abiso naman ang mga otoridad para sa mga motorista at pasahero na patungo sa Maynila sa pamamagitan ng Camiling Road na dumaan sa Urbiztondo Road, samantalang ang mga pasahero na patungo sa Alaminos ay dumaan sa Bayambang Road sa pamamagitan ng Urbiztondo at Mangatarem Road (Poblacion Area) sa Nobyembre 24, 2024, simula kaninang alas-3 ng hapon.

Nakahanda na rin ang iba’t ibang personnel sa bayan tulad ng PNP, POSO, MDRRMO at iba upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
Agad naman na nagbukas ang mga pansamantalang isinarang kalsada pagkatapos ng naturang prosisyon. (Aira Chicano)

--Ads--