Mga kabombo! Isa ka rin ba sa mga aminadong nahihirapan na pagdating sa mga assignments sa asignturang Matematika?

Kaya para sa 10 taon gulang na bata sa Wisconsin, sa Estados Unidos, isa itong emerhensiya para hindi bumagsak sa mahirap na assigment. Subalit, hindi siya lumapit sa kaniyang mga magulang kundi tumawag ito sa “911”.

Ayon sa Shawano County Sheriff Office, maging ang magulang ng bata ay hindi rin kagalingan sa matematika kaya ito napatawag sa emergency hotline.

--Ads--

Gayunpaman, ipinaliwanag ng dispatcher sa bata na hindi ito ang tamang numero upang tawagan para sa kaniyang assignment, subalit, inalok pa rin nito ng tulong ang bata.

To the rescue naman si Deputy Sheriff Chase Mason dahil malapit lamang ito sa tahanan ng bata. Aminado rin naman si Mason na hindi siya bihasa sa mga numero ngunit handa pa rin itong maghatid ng tulong.

Matapos masagutan ang problema, nag-abot si Mason ng business card sa bata at tiniyak ang kanilang kahandaan sa anumang pagtulong. Subalit, kaniya rin ipinaliwanag na iwasan na lamang tumawag sa emergency hotline kung hindi “life-threatening” ang kinakaharap na sitwasyon.