Hindi na nakakatuwa at hindi na nakapagpapabago ng panananw ng mamamayan ang malaking pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at pagbaba nito ng maliit na halaga lamang.
Ayon kay Ariel Lim, National President, NACTODAP paulit-ulit na lamang ang ganitong pangyayari at hangga’t hindi ginagawa ng gobyerno ang dapat nitong gawin ay wala na silang nakikitang solusyon pa para dito.
Aniya na dapat ay suspendihin ang excise tax subalit ang sinasabi ng Department of Finance ay maraming programa ng gobyerno ang madidiskaril.
Subalit aniya ay hindi naman nila ito ipinananawagan na gawing pangmatagalan ngunit kapag tumaas lamang ang presyo at kapag bumaba naman ay maaaring ibalik muli.
Samantala, pagdating naman sa ibinibigay na ayuda aniya ay iilang tao lamang ang nakikinabang at hindi din nakasisiguro kung ang lahat ba ang mga motorista ay nakatatanggap.
Dapat aniya ay gawan ng batas ang nasabing usapin dahil hindi kaya ng taumbayan ang napakataas na presyo ng produktong petrolyo gayong may ayuda man sa transport sector ay ang mga mananakay naman ang apektado.
Dahil dito ay tatamaan talaga ang kita ng drayber at operators sa pang-araw-araw kaya’t dapat ay may policy at regulations pagadating dito.