Dagupan City – Umabot na sa 4, 565, 057 na mga indibidwal sa buong rehiyon uno ang nairehistro ng Philippine Statistics Authority Region 1 nang simulan ito sa bansa.
Pinakamaraming nairehistro dito ay ang Pangasinan na nasa 2,702,286, La Union na mayroong 702,734, Ilocos Sur na may 636,657 at ang Ilocos Norte ay nasa 523,378.
Sa tala naman nila ngayon taon, nasa kabuuan na 375,325 kung saan ang Pangasinan ay nasa 231, 641, Ilocos Sur 50, 628, La union 47,973 at Ilocos Norte 45, 083.
Habang sa mga naisyuhan na ng E-Phil ID sa buong rehiyon ay nasa 1,752,365 sa Nobyembre, 2022 hanggang sa kasalukuyan kung saan sa Pangasinan ay nasa 1,072,139, Ilocos Norte nasa 332,083, La union nasa 182,722 at sa Ilocos Sur ay 165, 421.
Ayon kay Camille Carla Beltran, Chief Administrative Officer ng Civil Registration Administrative Support Division ng Philippine Statistics Authority- Regional Statistical Services Office I na nasa 3 form ang kanilang National ID gaya ng PVC o ang Polyvinyl Chloride ID cards, EPhil ID at ang Digital Form ID kung saan parehas lamang at walang pinagkaiba ang gamit dahil maari na itong gamitin kahit sa anumang transaksyon.
Binigyan diin naman nito na dapat magparehistro na ang mga hindi pa nakakapagparehistro dahil patuloy ang kanilang ginagawa upang mapadami ang datos ng rehistrado dito.
Kaugnay nito, kapag ang mga naisyuhan ng PVC ID na natuklap na o nasira ay maari lamang silang pumunta sa opisina ng PSA para matulungan sila.
Samantala, panawagan naman nito sa mga indibidwal na ang pagkuha ng National ID ay libre at kapag mayroon naniningil o nagpapabayad isangguni agad dito sa Central Office upang mapanagot ang mga nasa likod nito.
Sa kabilang banda, patuloy naman ang kanilang pagtutok sa rehistro bulilit na may edad na 5 pababa na sa rehiyon ay nasa 108, 621 na ang naiparehistro. (Oliver Dacumos)