Dagupan City – Nagdaos ng isang programa ang mga siklista bilang bahagi ng Drug Abuse Prevention and Control Week kamakailan.
Pinangunahan ito ng Department of Health (DOH) Drug Treatment and Rehabilitation Center (DTRC) sa Dagupan City, katuwang ang PNP
Dagupan na pinamumunuan ni Chief Brendon Palisoc, at ilang mga barangay officials sa lungsod.
Layunin ng programang ito na itaas ang kamalayan ng mga tao tungkol sa mga panganib ng paggamit ng ilegal na droga at magsulong ng mga hakbang para maiwasan ito.
Ang “Padyak Kontra Droga” ay isang simbolo ng pagkakaisa ng mga DagupeƱo laban sa problema ng droga sa kanilang komunidad.
Sa pamamagitan ng pagtulong at pagkilos ng bawat isa, nais ng mga nag organisa na mapalaganap ang mensahe ng pagiging alerto at responsable sa pag-iwas sa mga drogang nakasasama sa kalusugan at lipunan.
Ang kampanyang ito ay isang hakbang patungo sa mas ligtas at mas malusog na komunidad, kung saan ang mga mamamayan ay nagtutulungan upang mapigilan ang paglaganap ng droga. (Justine Ramos)