BOMBO DAGUPAN – Sabik na sabik na makasama ang kanyang ina ng bunsong anak ni MaryJane Veloso matapos marinig ang magandang balita na makakauwi na ang Pinay na ilang taon nang nakakulong at hinatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa pagdadala ng ilegal na droga sa naturang bansa noong 2010.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kanyang anak na si Mark Daren Candelaria, ayaw na niyang mangibang bansa pa ang ina.
Hangad nito makasama ang nawalay na ina sa darating na pasko.

Si Darren ay isang taon at apat na buwan pa lamang ng umalis ito ng bansa. Huli aniyang nabisita ang ina sa Indonesia ay noong Hunyo at Disyembre noong 2023.

--Ads--

Ayon naman sa ina ni Mary Jane na nanawalan na silang pag asa at ang buong akala nila ay doon namananatili ang anak sa Indonesia.

Isinalarawan niya na noong panahon ng Covid 19 ay tahimik ang kanyang kaso kaya naman sobrang lungkot ng buong pamilya.

Samantala, pinasalamatan ng pamilya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa pamahalaang Indonesia gayudin ay kinilala rin nila ang tulong ng media na hindi nilubayan ang kanyang kaso.