Binatikos ng mga netizens ang isang network matapos na ilagay ang picture ni Asia’s songbird Regine Velasquez sa ibabang bahagi at maliit na larawan ng singer sa kanilang poster.
Dahil dito, humingi ng dispensa ang network team kay Regine Velasquez matapos batikusin ng ilang netizens ang billing ng Asia’s Songbird sa isang Music Awards 2024 na kumalat sa social media.
Hinaing ng mga ilang netizens, mas malaki pa ang mga mukha at pangalan nina Bini Johanna, Bini Maloi, James Reid, at si Fyang Smith.
Habang si Regine, nasa ibaba at kasama nina Elijah Canlas, Gloc 9, Chloe San Jose, Alexa Ilacad, at KD Estrada.
Dagdag pa ang paglalagay sa hulihan ng listahan gayong nagdala ng maraming karangalan sa bansa si Regine.
Hanggang sa kahapon – Nobyembre 21, 2024, nag-post si Regine upang ipaalam na nakatanggap siya ng apology letter mula sa netwrok Digital Team. Ani Regine, hindi na kailangan pa ng paghingi ng tawad ngunit sa kabila nito ipinaabot pa rin niya ang kaniyang pasasalamat sa pangyayari.