BOMBO DAGUPAN – Nakataas ang shellfish ban sa 11 lugar sa Eastern Visayas ngayong linggo.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, na-detect ang red tide sa seawater samples na kinolekta sa Cancabato Bay sa Tacloban City; coastal waters ng Guiuan, Eastern Samar; coastal waters ng Calbayog City, Samar; at Matarinao Bay sa mga bayan ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.

Naunang napaulat na pitong bodies of water sa mga lalawigan ng Leyte, Samar, Eastern Samar, at Biliran ay kontaminado ng red tide toxins, base sa shellfish meat sampling.

--Ads--

Kinabibilangan ito ng Biliran Island sa Biliran province; coastal waters sa Leyte town; Carigara Bay sa Babatngon, San Miguel, Barugo, Carigara, at Capoocan towns sa Leyte province; Cambatutay Bay sa Tarangnan town; Daram Island; Zumarraga Island; at Irongirong Bay sa Catbalogan City sa Samar province.

Samantala, ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta sariwa at huhugasang mabuti, at alisin ang internal organs ng mga ito, tulad ng hasang at bituka, bago lutuin.

Kaugnay nito ay pinaalalahanan ang publiko na huwag mangolekta, magbenta o kumain ng anumang uri ng shellfish, kabilang ang alamang, sa naturang mga lugar.