Kulungan ang bagsak ng isang 58-taong gulang na lalaki matapos nitong tagain ang kanyang kainuman sa bayan ng Anda.

Ayon kay Plt. Leonel Caacbay, DCOP ng Anda Municipal Police Station at sa kanilang isinagawang imbestigasyon na alas nwebe ng gabi nang maganap ang insidente kung saan nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng suspek at sa kalagitnaan ng kanilang pag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa ukol sa kanilang trabaho bilang harvester ng palay.

Maya maya ay sinakal di umano ng biktima ang suspek at dito na inilabas ng suspek ang kanyang itak at pinagtataga ang biktima bilang ganti.

--Ads--

Kinilala naman ang biktima na si Albert Sibayan, 28-taong gulang, habang ang suspek naman ay si Jose Cardinosa, 58-taong gulang kapwa magsasaka at residente ng Sitio Conggo sa Barngay Awile sa bayan ng Anda.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa rin ang biktima mula sa mga natamong sugat nito sa kanyang katawan.