Isang eroplano sa isang Portuguese airport ang hindi nakalipad sa loob ng 4 na araw, hindi dahil sa may sira ito kundi dahil sa mga nakawalang hamsters.

Nakatakdang lumipad ang naturang eroplano galing Lisbon patungong Ponta Delgada Airport sakay ang mga pasahero, maging ang mga ilang mga hayop kabilang na ang hamsters, ferrets, at mga ibon para sa isang pet store.

Nang mapag-alaman na nakawala ang 132 na mga hamsters sa kinalalagyan ng mga ito sa cargo, napagdesisyunan ng mga otoridad ng airport na kanselahin muna ang nakatakdang paglipad.

--Ads--

Anila, nanatili muna sa airport ang naturang eroplano para sa tiyak na kaligtasan dahil maaaring may banta ang mga hamster sa electrical wires ng eroplano.

Makalipas ang 4 na araw, tuluyan na rin nakalipad ang eroplano sa nakatakdang destinasyon nito.