DAGUPAN CITY- Umabot sa 60 percent ng mga lupain na pinagsasakahan ng mga mais at tobacco ang apektado ng pag-apaw ng tubig mula sa isang kailugan sa bayan ng Sta. Barbara dahil sa pinaranas na pag-ulan ng bagyong Pepito.

Ayon kay Christopher Cardozo, Barangay Captain ng Brgy. Primicias at isa sa mga apektado, bago pa dumating ang bagyo ay nakapagtanim na sila kaya naman laking panghihinayang ng mga kapwa nito magsasaka sa pagkasira ng knailang mga pananim.

Anya na nakapagtanim sya ng mais na aabot naman sa 12 ektarya at nasira dito ang 3 ektarya habang ang kanyang itinanim naman na tobacco ay ansa dalawang ektarya at isang ektarya ng kanyang lupain na pinagtaniman ay nawash-out.

--Ads--

At halos lahat din ng kanyang mga kapwa magsasaka ay nakapagpunla na ng kanilang mga tanim ngunit sa kasamaang palad ay nasira na ang mga ito at laking pagkalugi naman sa kanilang parte

Dagdag pa nito na ito ang kauna-unahang pangyayari na kanilang naranasan sa mga pananim dahil sa bagyo.

Umaasa naman sila na may makukuha pa silang mapapakinabangan sa kanilang mga itinanim.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Lokal na Pamahalaan ng kanilang bayan para sa kaukulang aksyon.