Kinilala ang bayan ng Tayug bilang isa sa mga nangungunang munisipalidad sa buong Pangasinan dahil sa kahusayan ng kanilang Municipal Peace and Order Council (POC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (ADAC).

Nakatanggap ito ng parangal bilang High Functional ADAC at High Performing POC sa ginanap na Regional Peace and Order and Anti-Drug Abuse Council Performance Award sa La Union Convention Center, City of San Fernando, La Union.

Ang nasabing pagkilala ay bahagi ng programa, “Pagpupugay sa mga Tagapangtaguyod ng Kapayapaan at Kaunlaran,” na inilunsad ng Department of Interior and Local Government-Region 1 (DILG-R1) at Regional Peace and Order Council (RPOC).

--Ads--

Nagpapatunay ang parangal na ito sa dedikasyon at matagumpay na pagsisikap ng Tayug LGU sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Naging epektibo ang kanilang mga programa sa paglaban sa iligal na droga at sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan.

Ipinapakita ng tagumpay na ito ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan, mga mamamayan, at iba pang mga ahensya ng gobyerno sa pagkamit ng isang ligtas at mapayapang komunidad.