DAGUPAN CITY – Maaaring sampahan ng kaso si dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling sikapin ng Department of Justice (DOJ) na bumuo ng kaso na papasok naman sa crime against humanity.
Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst batay sa mga lumalabas na testimonya ni Duterte ay maaari itong magamit na ebidensiya kapag nai-file ang kaso sa DOJ.
Aniya na importante parin na mayroong tamang ebidensiya na maipresenta upang maabot ang standard na guilt beyond reasonable doubt.
Saad pa niya na mainam na dito dapat magmula sa bansa ang mag-imbestiga dahil nangyari ang krimen sa bayan at ang mga biktima ay ating mga kababayan din.
Kayat dapat ay sumunod sa konspeto ng soberanya na ito ay mangyari sa korte ng bansa.
Ang gobyerno dapat ng Pilipinas ang tutugis sa mga kriminal sa bansa upang sila ay mapatawan ng kaparusahan at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
Kaugnay naman sa mga isinasagawang mga pagdinig dapat aniya ay magkaroon ito ng legal output kung may batas ba na dapat amyendahan na konektado sa isinasagwang imbestigasyon.
Panawagan naman nito na dapat ang DOJ na ang gumawa ng kanilang katungkulan at huwag magpapadala sa kahit anong pwersang politikal.