Dagupan City – Matapos ang pinsalang natamo ng sektor ng agrikultura dahil sa sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa, nakatakdang umangkat ang Pilipinas ng 4.5 milyong tonelada ng bigas.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungi ito hinggil sa suplay ng bigas gayong magkakasunod na ang naranasang bagyo sa bansa.
Ayon kay Engr.Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura, resulta ito nang naranasang mga bagyo kung saan ay naapektuhan ang rice crop at mga ani ng sektor ng agrikultura.
Mas mataas ito kung ikukumpara noong nakaraang taon na nasa 3.9 million lamang.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Chief Executive na ang ‘food security’ ng Pilipinas ay nananatiling maayos.
Samantala, inaasahan naman ang mataas na presyo ng gulay sa merkado hanggang sa pasko kaugnay pa rin sa magkakasunod na bagyong humagupit sa Hilaga at Gitnang Luzon.
Sa kasalukuyan naman, walang nakikitang paggalaw sa presyo ng karne at mano.
Ibinahagi naman ni So ang pograma ng pamahalaan na crop insurance at iba pa para magbigay tulong sa mga magsasaka.