Tinatayang mabilis ang pag lago ng ekonomiya ng bansa sa fourth quarter ng taon sa 6 percent mula 5.2 percent sa third quarter sa likod ng malakas na domestic demand, pagbagal ng inflation, at mas mababang policy rates.
Ayon sa isang ekonomista, ang pagsasabatas sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) ay makatutulong sa pagsuporta sa pagpapatuloy ng paglago ng private sector investments at foreign direct investments.
Sa ilalim ng batas ay ibinaba ang corporate income tax rate sa 20 percent mula 25 percent, dinagdagan ang deductions sa power expenses, at pinadali ang proseso sa value-added tax refund.
Binawasan ngayong taon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang policy rates ng kabuuang 50 basis points.
Samantala, nananatiling pasok sa 2-4 percent target ng pamahalaan ang inflation makaraang maitala ito sa 2.3 percent noong Oktubre.
Inaasahan ding magiging mas mabilis ang infrastructure projects sa fourth quarter ng 2024 at sa first quarter ng 2025.
Inaasahan naman na ang full-year 2024 economic growth ay maitatala sa 5.8 percent at bibilis sa 6.0 percent sa susunod na taon.