Lalo pang tumindi ang polusyon sa hangin sa Delhi, India kung saan binalot na ng makapal na smog ang syudad.

Umabot na sa 1,500 ang lebel ng pollution sa Air Quality Index (AQI) kung saan hindi na ito pasok sa batayan ng World Health Organization (WHO) para sa ligtas na paghinga.

Ayon sa WHO, ang may AQI na higit pa sa 300 ay may banta na sa kalusugan ng isang tao.

--Ads--

Nitong lunes lamang nang tumaas na sa 450 ang AQI sa naturang syudad.

Ang polusyon ay nakaapekto na sa mga flight services at isinara na rin ng mga otoridad ang mga paaralan. Ipinagbawal na rin ang trabahong konstruksyon sa syudad.

Nagbabala naman ang mga eksperto na maaari pang lumala ang polusyon sa mga susunod na araw at kinakailangan nang magkaroon ng aksyon laban sa nararanasang polusyon.

Noong nakaraang linggo naman nang ipinagbawal ng kanilang gobyerno ang mga aktibidad na kinakailangan ng paggamit ng uling at panggatong, gayundin sa diesel generators para sa non-emergency services.