Arestado ang 4 na residente ng Los Angeles, sa California na gustong makakuha ng malaking halaga ng kanilang insurance.
Batay sa California Department of Insurance, nirereklamo ng mga suspek na isa umanog bear o oso ang umatake sa kanilang mga sasakyan at nasira ito.
Gayunpaman, lumabas sa kaniang imbestigasyon na gawa-gawa lamang ito at gumamit ang mga suspek ng life-size bear costume para isagawa ang panloloko upang makatanggap ng six-figure payout.
Kinilala naman ang mga suspek na sina Ruben Tamrazian, 26; Ararat Chirkinian, 39; Vahe Muradkhanyan, 32; and Alfiya Zuckerman, 39. Sinampahan sila ng insurance fraud at conspiracy matapos umabot sa halagang $141,839 ang kanilang panloloko.
Nagsimula naman ang kanilang “Operation Bear Claw” nitong taon lamang.
Noong enero nang sinabi ng mga suspek na pinasok ng oso ang kanilang sasakyan na nakaparke sa Lake Arrowhead, sa San Bernardino Mountains, at sinira nito ang looban bahagi ng sasakyan.
Naglabas naman ng video footage ang mga suspek bilang patunay sa isang insurance company.
Gayunpaman, dahil sa masusing imbestigasyon ng kumpanya ay napag-alaman nilang isa lamang itong costume.
Napag-alaman naman ng mga detective na magkakasabwat ang mga ito dahil sa sabay-sabay silang nagreklamo ng parehong pangyayari sa iisang araw lamang.
Sa isinagawang search warrant ng mga kapulisan, kanilang natagpuan ang bear costume sa bahay ng isang suspek.