DAGUPAN CITY- Binaha ang ilang barangay sa bayan ng San Jacinto matapos manalasa ng bagyong ‘Pepito’ sa lalawigan ng Pangasinan noong gabi ng linggo, Nobyembre 17.
Ayon kay Rosalina Ellasus, Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer ng naturang bayan, kabilang sa mga apektadong lugar ang Barangay Lobong, San Jose, Capaoa, San Vicente, Sto. Tomas, Magsaysay, Macayug, San Guillermo, Sta. Maria, Imelda, Casibong, San Jose, Sta. Cruz, Pag-Asa, Bolo, at Guibel, kung saan ilan sa mga barangay na ito ay ngayon lang naranasan ang pagbaha sa kanilang lugar.
Maliba pa sa mga kabahayan, apektado rin ang kanilang sektor ng agrikultura kung saan nalubog sa baha ang mga bagong tanim ng mga magsasaka. Habang, ang ilan sa mga hayop ay nalunod dahil sa hindi inaasahang pagtaas ng tubig.
Sa kabila ng pananalasa ng bagyong pepito sa bayan ang lokal na pamahalaan ng San Jacinto, ay patuloy na nakikipagtulungan sa Municipal Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), upang tiyakin ang kaligtasan ng mga residente.
Patuloy naman ang pag-iikot sa mga barangay at pagbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Mahigpit din nilang minomonitor ang mga lugar na posibleng magdulot ng karagdagang panganib.
Samantala, patuloy naman ang clearing operations sa mga pangunahing kalsada at ang monitoring ng mga ilog na maaaring magdulot ng karagdagang pagbaha sa mga mababang lugar.
Sa ngayon, nanatiling nadadaanan ang mga pangunahing kakalsadahan sa naturang bayan.
Panawagan naman ng awtoridad na manatiling mag-ingat at mag-antabay sa mga balita upang malaman ang sitwasyon sakanilang lugar bago pa man dumating ang sakuna.