Naglunsad ng pagsasanay ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa bayan ng Bayambang ng “Idol Ko si Nanay” Training para sa mga 44 brgy. sa nasabing bayan.
Layunin ng aktibidad na ito na bigyan ng kaalaman at kamalayan ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Nutrition staff patungkol sa pagbubuntis at pagpapasuso.
Sa tulong ng Nutritionist Dietitian Association of the Philippines President na si Melita Castillo at ng Rural Health Unit III Nurse na si Lady Philina Duque kanilang napagtagumpayan ang pagtatalakay patungkol sa:
Breastfeading na nakatuon sa benepisyo at tamang pamamaraan ng pagpapasuso;
Complementary feeding na tumatalakay patungkol sa mga tamang uri ng pagkain na pwedeng ipakain sa mga bata depende sakanilang edad;
Nutrition During Pregnancy and Lactation na kung saan ito ay mahalagang papel upang masiguro ang kalusugan ng mag-ina; at sa Danger Signs During Pregnancy ay kanilang natutunan ang mga sensyales ng panganib habang nagbubuntis.
Mahalaga naman ang nasabing aktibidad upang maging alerto sila sakaling mangailangan ng medikal na atensyon.