Dagupan City – Nakapagtala ang rehiyon uno ng higit 2,600 pamilya o katumbas ng 6,000 indibidwal ang sumailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa banta ng bagyong Pepito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan, Public Information Officer ng Office of the Civil Defense Region I dahil dito ay nanantili pa ring nakataas ang Red Alert Status sa rehiyon.

Patuloy din ang kanilang pakikipag-koordina sa bawa’t lokal na pamahalaan sa bawa’t lalawigan.

--Ads--

Kaugnay nito nasa tinatayang 6 na kakalsadahan naman na ang hindi madaanan at ilang mga nabahang lugar na kinabibilangan ng isang bayan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at lalawigan ng Pangasinan.

Samantala, nasa tinatayang P2.9 Milyon naman na ang naitalang pinsala sektor ng agrikultura sa datos na naitala sa mga bagyong nika, ofel, at pepito.

Sa kasalukuyan, minomonitor pa ng mga LGU’s ang mga naapektuhang kabahayan at lugar bago pabalikin sa kani-kanilang mga tahanan ang mga naitalang evacuees.