DAGUPAN CITY- Umabot na sa 27 pamilya at 94 na mga individual ang inilkas sa isinagawang pre-emptive evacutaion ng Local Disaster Risk Reduction And Management Office (LDRRMO) sa bayan ng Lingayen.
Ayon sa panayam kay Kimpee Jayson Cruz, head ng naturang tanggapan sa bayan, na patuloy ang kanilang ginagawang pag-iikot sa kanilang nasasakupan sa bawat barangay kung saan may ilang mga barangay na rin na mga residente ang kanilang inilkas bilang paghahanda sa epekto ni super typhoon pepito.
Samantala, bukod sa evacuation center ay mayroon na ring mga evacuaees ang inilkas at pansamantalang tumuloy sa Magsaysay Elementary School, PoblaciĆ³n Central School at Pangpisan Elementary School.
Anya, nakakaranas na rin sila ng hangin at mga pag-ulan na dulot ni bagyong pepito.
Patuloy naman ang kanilang pagtutok kasama ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng bayan, PNP, Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang mga law enforcement personnel lalo na sa mga coastal areas at sa mga low lying areas.
Gayundin ang panawagan sa kanilang mga nasasakupan na lumikas kung kinakailangan at sumunod sa kanilang mga abiso para sa kanilang kaligtasan.
Samantala, ayon kay Jan Miguel Navidad, responder ng Agno Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), simula kagabi ay umabot na sa 19 na pamilya o 59 ns mga indibidwal ang lumikas na sa evacuation center.
Aniya, possible naman ang force evacuation sa mga pamilya na ayaw pa rin lumikas Lalo na kung kinakailangan.
Habang maigting din ang pag-iikot ng kanilang tanggapan ukol sa mga sitwasyon sa kanilang nasasakupan. Gayundin ang pagmomonitor sa Balingcanguig river.
Patuloy naman ang panawagan nito sa kanyang mga nasasakupan na maging alerto at lagging maghanda.