Nagsagawa na ng pre-emptive evacuation ang bayan ng Basista bilang paghahanda sa bagyong Pepito.
Ayon kay Josephine Robillos – Pangasinan Association of Local Disaster Risk Reduction Management Officers personal nilang tinunguhan kaninang umaga ang mga low lying areas sa kanilang bayan upang mabigyan ng abiso.
Katuwang naman nila ang Chief of police ng Basista, Bureau of Fire Protection maging ang mga punong barangay.
Aniya na sinabihan na ang mga residente na maghanda at huwag ng hintayin na lumakas ang hangin bago magsagawa ng evacuation.
Inaasahan naman nila na nasa 30 pamilya ang maaapektuhan kaya’t ang kanilang protocol ay magtungo na ang mga ito sa mga local evacuation sa kanilang mga barangay hall o gym.
Sa kasalukuyan ay wala pang mga evacuees na nagtutungo subalit inaasahan na bandang alas 7 ng gabi mamaya ay magisismula na silang lumikas.
Panawagan naman nito sa publiko na kung hindi importante ang paglabas ay manatili na lamang sa kanilang tahanan para sa kaligtasan ng lahat.