BOMBO DAGUPAN – Pinaghahanda ng Office of the Civil Defense Region 1 ang publiko sa bagyong Pepito.

Ayon kay Freddie Evangelista, Information Officer II, Office of the Civil Defense Region, patuloy ang kanilang monitoring at koordinasyon sa mga local Government units partikular sa mga PDRRMO na maghanda.

Base sa pag asa, medyo may kalakasan umano ang bagyo.

--Ads--

Aniya, naglabas ang kanilang tanggapan ng memorandum kung saan nagsasaad ng priority preemptive evacuation lalo na sa mga coast area dahil sa storm surge na maaaring maranasan.

Sa kasalukuyan ay naka red alert ang ilang lugar sa rehiyon kasama ang lalawigan ng Pangasinan.

Samantala, binabantayan nila sa kasalukuyan ang river system bagamat nasa normal level pa sa kasalukuyan.