Dagupan City – Matapos ang matagumpay na blood donation drive dito sa lungsod ng dagupan kung saan ay nagtala ng kabuuang 233 donors na nagresulta ng 104,850 cc ng dugo.

Ayon sa pagbabahagi ng first timer blood donor na si Angelo Reyes na matiyaga itong pumila sa screening upang makapag bigay lang ng dugo

Aniya, mula pa sa pila sa screening, nararamdaman na niya ang kaba. Ngunit, nilinaw niya na bagama’t unang beses niyang mag-donate ng dugo, hindi naman siya nakaramdam ng pananakit. Dagdag pa niya na parang hindi na ito ang kanyang unang pagkakataon gawin ito.

--Ads--

Sa kabila ng pagkakaroon ng kaba mula sa screening, ipinagmalaki ni Angelo na nakayanan niyang mag-donate. Ayon pa sa kanya, hindi naging hadlang ang takot para magbigay ng tulong dahil layunin nito na makatulong sa mga taong nangangailangan ng dugo, at iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.

Ibinahagi rin ni Angelo na natutunan niyang hindi pala mahirap mag-donate ng dugo, at para sa kanya, naging magaan ang proseso dahil sa tamang gabay at tulong mula sa mga health workers.
Sa simpleng paraan, nakatulong siya sa mga taong nangangailangan ng dugo,