Pinaghahandaan ng Office of Civil Defense (OCD) ang worst-case scenario na kung saan may potensyal na maapektuhan ang 10-million indibidwal sa pananalasa ng Super Typhoon Pepito.

Ayon kay Undersecretary Ariel Nepomuceno, executive director ng OCD, inaasahan na maapektuhan ang buong Luzon at ilang bahagi ng Visayas sa bagyo.

Kagustuhan man ni Nepomuceno ang malusaw ang bagyo subalit, bilang paghahanda ay asahan na muling mangyari ang katulad ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

--Ads--

At kailangan na nasa isipan ay ang pagkakaroon ng evacuation upang maiwasan na ang nangyari sa nakaraang pagdaan ng bagyo.

Samantala, umabot na sa halos 13,857 personnel ang dineploy ng gobyerno para sa disaster response and relief operations, kabilang na ang 1,282 search and rescue teams.

Habang nasa 11,448 na mga pamilya o 35,335 na mga indibidwal ang nananatiling nasa evacuation centers dahil sa nakaraang bagyo. Nadagdagan pa ito ng 14,366 na mga pamilya o 48,014 na mga indibidwal dahil sa isinagawang preemptive evacuation.