DAGUPAN CITY – Tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan at paalala ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office kaugnay sa pananalasa ng super typhoon pepito kung saan nakataas na sa signal no. 4 ang eastern portion ng Pangasinan habang signal no. 3 naman ang natitirang bahagi ng lalawigan.

Ayon kay Vincent Chiu Operations Supervisor, Pangasinan PDRRMO nag-iikot ikot na ang mga mdrrmo at cdrrmo sa lalawigan at nag-abiso na para sa pre-emptive evacuation.

Kung saan tinututukan ang western at eastern part ng lalawigan.

--Ads--

Bukod dito ay nagpadala na rin sila ng search and rescue team kasama ang pnp at pmc personnel sa bayan naman ng tayug.

Nakatutok din sila aniya sa mga lugar na nasa coastal areas, flood prone areas, at storm surge areas.

Bagamat ay malapit ang Pangasinan sa mata ng bagyo ay nananawagan ito na maghanda sa posibleng malakas na ulan at hangin.

Hindi naman inaalis ang posibilidad na itaas ang buong lalawigan sa signal no. 4 sakaling magbago ang track ng bagyo.

Paalala naman nito sa publiko na wag ng hintayin ang pagbugso ng malakas na ulan at hangin bago lumikas bagkus ay magtungo na sa pinakamalapit na evacuation center.