Dagupan City – Naanatiling nakataas sa red alert status ang rehiyon uno.

Ito’y dahil sa banta ng bagyong pepito na inaasahang tatahakin ang rehiyon sakaling hindi magbago ang kaniyang direksyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan, Public Information Officer ng Office of the Civil Defense Region I, dahil sa banta ng bagyo ay naka-activate sa kanilang tanggapan ang “Charlie motivated” dahil nasa pinakamataas na lebel ang rehiyon sa bagyo.

--Ads--

Nag-conduct na rin aniya ang mga ito katuwang ang iba’t ibang tanggapan at ahensya ng bawa’t lokal na pamahalaan ng weather updating, kung saan ay pinayuhan ng Department of Interior and Local Government Region 1 ang bawa’t pamilya na kinakailangang sumailalim sa pre-emptive evacuation dahil sa nakikitang maaring daanan ng bagyo ang mga ito.

Tiniyak naman ni Pagsolingan na 24/7 ang isinasagawang monitorning ng bawat sa LGU’s sa rehiyon at constant ang pakikipag-usap ng mga ito sa NDRRMC.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Pagsolingan na kapag nakataas ang signal no 1 sa isang lalawigan ay hindi nangangahulugan na agad na mararanasan ang mga pag-ulan kundi, may oras pa ang isang lalawigan para magprepara ng hindi bababa sa 36 na oras bago maranasan ang hagupit ng bagyo.