BOMBO DAGUPAN – Patuloy ang clearing at search and rescue operations sa mga lugar na naapektuhan ng matinding pagbaha sa Spain .

Ayon kay Eva Tinaza, Bombo International News Corrrespondent sa Spain, sa panayam ng bombo radyo Dagupan nakakalungkot dahil gaya sa Pilipinas ay marami rin ang nasasawi at nalulunod sa tuwing may pagbaha sa nasabing bansa.

Ilang bahagi ng eastern Valencia area ang inilagay na sa highest alert, ilang linggo matapos manalasa ang pagbaha na ikinasawi ng mahigit 200 katao

--Ads--

Saad ni Tinaza,matagal aniyang humupa ang tubig baha lalo ang ulan ay buong maghapon.

Aniya, nasa dalawa hanggang tatlong tao ang katumbas ng lalim ng tubig baha.

Sa kanya ring obserbasyon gaya sa bansa matitigas ang ulo ng iba na kahit pinalilikas na ayaw pa ring umalis sa kanilang bahay at kahit sinasabihan na huwag lalabas ng tahanan ay lumalabas pa rin kung kaya marami ang naapektuhan ng pabaha.

Sa usapin naman ng relief opoeration ay pinaghandaan na ito ng kanilang gobyerno at nagtutulongan doon ang mga otoridad at magkakapit bahay para sa mga biktima.