Muling umingay ang relasyon ng actor na si Paolo Contis at ang relasyon niya kay Yen Santos!
Ayon sa ulat, ilang buwan kasi bago ang espekulasyon sa kanilang relasyon, ngayon lamang kinumpirma ni Paolo na siya ang single na.
Nang tanungi kasi sina Paolo at ang kaniyang kapwa actor na si Kokoy kung single ba ang mga ito ay sumagot ang dalawa na sila’y single na.
Matatandaan na binura na ni Yen sa kaniyang social media account ang post nito tungkol sa birthday greetings niya kay Paolo, kasabay ng pag-unfollow sa actor.
Hanggang sa hunyo 20, naman nang mapansin ng netizens na maging si Paolo ay in-unfollow na rin si Yen.
Sa kabila nito, inamin naman ni Paolo na naging mahirap ang kanilang relasyon dahil tila napapaligiran ng labis na galit ang pag-iibigan nila.
Dahil dito, pinili na lamang nilang gawing “quiet” ang relasyon nilang dalawa at malayo sa mapanuring mata ng publiko.
Sa kabila ng pag-iibigan , nagtapos naman ang kanilang relasyon sa hindi pa malinaw na dahilan.