DAGUPAN CITY- Patuloy ang monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Calasiao sa lagay ng mga kalsada sa kanilang lugar at lebel ng tubig sa Marusay river gayong nakataas na ang red warning sa rehiyon uno kanina lamang.

Ayon kay Kristine Soriano, LDRRMO officer ng MDRRMO Calasiao, nasa normal level pa ang lagay ng Marusay river at kasalukuyang hindi pa rin naaabot ang monitoring system ng tubig sa ilog dahil na rin sa wala gaanong naitatlang mabigat na pag ulan sa Bagyong Ofel

Dagdag pa niya, bagamat hindi pa nararanasan ang mga pag ulan kasunod ng Bagyong Ofel ay aniya tuloy-tuloy naman ang kanilang monitoring at coordination sa mga partner agencies pati na rin sa mga barangay officials lalo na sa mga affected areas partikular na sa mga low lying areas tuwing tumataas ang tubig sa bayan.

--Ads--

Sa ngayon, nasa tatlong grupo mula sa opisina ng kanilang tanggapan ang dinedeploy kung saan salitan ang kanilang pag momonitor sa mga lugar para mabantayan ng 24 oras ang kanilang nasasakupan. Sa ngayon naman ay nasa white alert status ang ilog simula pa noong nagdaan ang Bagyong Kristine.

Patuloy din ang pagbibigay ng abiso ng opisina sa mga barangay officials at habang patuloy naman ang pagbibigay ng paalala sa mga residente na makipag ugnayan sa mga autoridad pagdating sa mga posibleng maranasan bunsod ng bagong bagyo.

Ang regional evacuation center ay handa na rin sakaling magkaroon ng pre-emptive evacuation sa lugar.