DAGUPAN CITY- Nananatiling nakaalerto ang Office of the Civil Defense Region 1 sa buong rehiyon ukol sa epekto ni Bagyong ofel sa bawat probinsya.

Sa isang press conference, sinabi ni Regional Director and Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) 1 Chairperson Dir. Laurence E. Mina, hanggang sa kasalukuyan ay nasa alert status pa rin ang buong rehiyon at nakataas sa “Charlie” ang emergency preparedness protocol na naging epektibo kahapon ng umaga.

Anya na tuloy tuloy din ang kanilang koordinasyon sa bawat Local Government Unit ng probinsya at lalong Lalo na doon sa mga lugar na lubhang maapektuhan ng bagyo.

--Ads--

Una na rin silang nagsagawa ng pagpupulong katuwang ang mga inter-agency para sa kanilang kahandaan at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Nakastandby naman ang kanilang tanggapan sa anumang request ng bawat probinsya ukol sa bagyo.

Samantala, patuloy din ang ginagawang pamamahagi ng tulong ng Department Of social Welfare field office 1 sa mga nasalanta ng bagyo simula pa noong bagyong Kristine at hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Marie Angela Gopalan, Regional Director ng DSWD Region I, na mayroon na ring mga nakaprepositioned na family food packs at non-food items sa bawat warehouse ng kanilang tanggapan sa buong rehiyon.

Patuloy naman ang kanilang pag-antabay sa mga lgu na nangangialngan ng augmentation at anya na mayroon din silang mga nakatalaga sa response team para sa mabilis na pangangalap ng impormasyon at assistance.