BOMBO DAGUPAN – Nananatiling malaria free ang region 1.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV, ng Department of Health-Center for Health Development Region I, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, huling nagkaroon ng kaso ng malaria sa rehiyon ay noong taong 2014.

Gayunman, patuloy na pinapaigting nila ang pagbabantay sa kaso ng malaria upang mapanatiling malaria free ang rehiyon.

--Ads--

Paliwanag ni Bobis na ang Malaria ay sakit na dulot ng parasite na Plasmodium species na kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng Anopheles na lamok.

Ang naglilipat ng malaria sa mga tao ay isang kagat din ng lamok katulad ng dengue.

Kapag nagkaroon ng malaria ay magkakaroon ng komplikasyon katulad ng anemia at kapag hindi nagamot ng mas maaga ay maaring mauwi sa seryosong komplikasyon tulad kidney failure, seizures, mental confusions at macoma na maging sanhi ng pagkamatay.

Kasama sa mga sintomas ng malaria ang panginginig, maaaring makaranas ng trangkaso, lagnat, pagsusuka, pagdumi at paninilaw ng balat.

Dahil wala ng kaso ng malaria sa rehiyon ay maaaring makuha ang malaria sa ibang lugar.