Libo na ang bilang ng mga tao sa rehiyon ng Costa del Sol, sa southern Spain ang lumikas na matapos inanunsyo ang red weather alert para sa matinding pag-ulan at pagbaha.
Sa pamamagitan ng mga cellphones, nagpadala ang Civil Protection Agency ng Spain ng mass alert sa Malaga province.
Inaasahan ang mga lugar na Marbella, Velez, at Estepona ang inaasahang makakaranas ng epekto mula sa isang extreme weather phenomenon na “Dana”.
Umaabot sa 3,000 katao ang naninirahan malapit sa Guadalhorce River ang inabisuhang lisanin ang kanilang kabahayam.
Sinabi naman ni Regional government Minister of the Presidency Antonio Sanz na hindi man papalikasin ang buong bayan, subalit mahalagang maabisuhan ang mga malapit sa naturang ilog.
Samantala, nakataas na rin sa red alert ng Catalonia, sa north-eastern Spain, partikular na sa coastal area malapit sa Tarragona.
Nananatili naman nakaalerto ang ilang rehiyon sa Spain sa inaasahang mararanasang matinding pag-ualn at mababang temperatura makalipas ang ilang linggong makapinsalang pagbaha.