DAGUPAN CITY- Muling nagliwanag ang pailaw ng mga christmas lights sa lungsod ng San Carlos at muling dinagsa ng mga residente matapos ang pansamantalang pagtigil nito dulot ng kamakailang pag-ulan.

Agad naman itong dinagsa ng mga residente upang muling bisitahin, magpa-picture, at magsaya kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Ayon kay Yyaneh Nipa, isa sa mga bumisita kasama ang pamilya, hindi nila nagawang napuntahan ang unang gabi ng pagpapailaw nito dahil sa dagsa ang mga tao. Kaya’t nang muling magbukas ang City lights ay agad nila itong tinunguhan upang makapasyal.

--Ads--

Samantala, sinabi naman ni Ricky Eden, POSO Supervisor ng San Carlos, nagkaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa unang gabi ng pagpapailaw, subalit ngayon, hindi na nagkaroon pa ng masikip na daloy ng trapiko dahil kaonti lamang ang bumisita.

Matatandaan na bandang alas-6 ng gabi noong Nobyembre 10 nang sinimulan ang pagpapailaw sa lungsod ng San Carlos.

Panawagan naman ng mga otoridad sa mga mamamasyal sa pailaw partikular na sa mga magulang na may kasamang bata na bantayan ito ng maigi upang maiwasan ang hindi inaasahang insidente.