BOMBO DAGUPAN – Aprobado na ang P448,715,740 annual budget ng local na Pamahalaan ng Calasiao para sa taong 2025 matapos ang pagpasa ng Sangguniang Bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay councilor Patrick Agustin Caramat, Liga ng Barangay President sa bayan ng Calasiao, ito ay masusing pinag-aralan ng Sanguniang bayan.
Kuntento naman ang SB sa pahayag ng ibat ibang departamento patungkol naman sa programa na paglalaanan nila.
--Ads--
Malaking bahagi ng budget ay mapupunta aniya sa mga social services offices.
Bilang boses ng liga ng mga barangay, humihiling sila ng counterpart funds para sa Liga ng mga barangay upang may pondo na magamit bukod sa barangay budget upang may makukuha ring pangsuporta ng liga sa ibat ibang programang pambarangay.