Naranasan ang sunod-sunod na pagpasok ng mga bagyo sa bansa ngayong taon lalo na ngayong buwan ng Nobyembre.
Ayon kay Gener Quitlong – Weather Forecaster, PAGASA dahil may paparating na la nina kaya’t mas madaming moisture dahilan upang ang mga Low Pressure Area ay mas mabilis mabuo o madevelop bilang tropical depression o di naman ay bagyo.
Aniya na hindi na bago ang pagkakaroon ng sunod sunod na bagyo at nangyari narin ito noong nakaraang taon bagamat ang Pilipinas ay malapit sa equator.
Mapapansin na halos northern luzon ang tinatamaan dahil hindi pa ganoon kalakas ng high pressure area sa mainland china kaya’t ganoon ang direksiyon ng bagyo.
Kadalasan ay bermonths nagkakaroon ng bagyo subalit hindi na ganoon kalaki ang lawak nito subalit aniya ay malalakas.
At isa sa epekto ng la niña ay typhoon kaya’t mas maraming nabubuo at mas marami din ang pumapasok sa bansa.
Sa kabuuan ay nasa 19-21 ang average na bagyo na nakakapasok sa bansa at kung ikukumpara ngayong taon aniya ay kinulang pa nga tayo at 14 pa lamang sa kabuuan idagdag na ang bagyong pepito.
Panawagan naman nito sa publiko na mainam na alamin lagi ang update kaugnay sa lagay ng panahon dahil hindi naman stationary ang bagyo at nagbabago ang galaw at lakas nito.