Dapat paghandaan ng gobyerno ng Pilipinas ang isang “comprehensive contingency plan” upang matulungan makabalik sa bansa ang mga undocumented Filipino sa Estados Unidos.

Sa likod ng banta ng mass deportation ng mga illegal migrants sa Estados Unidos sa ilalim ng ikalawang Administrasyon ni US President-elect Donald Trump, hinihiling ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na piliin na lamang umuwi ng mga Pilipinong hindi legal na naninirahan sa naturang bansa bago pa sila ma-deport.

Kaya aniya, mas mabuting magkaroon na ng pano ang gobyerno para sa mga maaapektuhang Pilipino.

--Ads--

Nauna na rito, inabisuhan na rin ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ang nasa 250,000 hanggang 300,000 illegal Filipino immigrants sa US na boluntaryo nang umalis at mapigilan ang mapabilang sa blacklist.