Makalipas ang pananalasa ng pagbaha sa eastern Spain, muling nakaalerto ang bansa dahil sa banta ng panahon na magdadala ng matinding pag-ulan at mababang temperatura.
Itinaas na ng meteorological agency ng Spain na Aemet na ang rehiyon ng Valencia, Catalonia, at Andalusia, maging ang Balearic Islands.
Naglabas na ang Aemet ng rainfall and storms warning na maaaring magparanasan ng malakas at matinding pag-ulan.
Ang orange alert naman ang pangalawa sa pinakamataas na alerto at nangangahulugang may banta itong kapahamakan para sa anumang aktibidad.
Nag iikot na rin ang isang sasakyang pangmilitar sa mga bayan upang ianunsyo ang inaasahang pag-ulan.
Sa ilang lugar naman sa Valencia, suspendido na ang mg klase sa paaralan at aktibidad pang-sports. Nakahilera na rin ang mga sandbags upang maprotektahan ang sentro ng bayan ng Aldaia.