DAGUPAN CITY- Walang kakulangan sa suplay kundi poweroutage laamn sa isang substation na nagseserbisyo sa Dagupan Electric Corporation (DECORP) ang kamakailan biglaang pagkawala ng kuryente.

Ayon kay Atty. Randy Castillan, Legal Officer ng DECORP, nagkaroon ng outage sa Labrador Substation kaya nakaapekto ito sa bahagi ng syudad ng Dagupan at maging ang ilan consumer sa bayan ng Calasiao.

Umabot ng 30 minutes ang naranasang power interruption sa ilang mga nasasakupan ng naturang power provider.

--Ads--

Ani Castillan, agad naman nila itong inaksyunan para sa agarang pagkakabalik ng kuryente. Dagdag pa niya na wala naman dapat ipag-alala dahil hindi supply-related ang nangyari at mga fault line lamang ito.

Sa ngayon ay wala namang naka iskedyul na mga power interruption sa lungsod at kung may mga hindi inaasahan man na dulot ng sama ng panahon o bagyo ay agad naman nila itong aaksyunan para sa maayos na serbisyo ng kanilang mga consumers.