Naospital ang controversial na Kingdom of Jesus Christ religious group leader na si Pastor Apollo Quiboloy matapos makaranas ng pananakit ng dibdib at irregular na tibok ng puso, kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) noong Lunes.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, si Quiboloy, dinala anbg pastor sa Philippine Heart Center para sa agarang medikal na atensyon.

Ang irregular na tibok ng puso ay inilarawan bilang “posibleng magdulot ng panganib sa buhay,” kaya’t pinriority ng mga awtoridad ang kanyang paggamot.

--Ads--

Samantala, patuloy ang kanyang mga legal na laban.

Ang tinaguriang “appointed son of God” ay nahaharap sa mabibigat na kasong qualified human trafficking and sexual abuse

Ang mga kasong ito ay nag-ugat mula sa mga akusasyon na siya at ang iba pang miyembro ng kanyang relihiyosong grupo ngunit itinatanggi ni Quiboloy ang mga akusasyon at sinasabing ito ay bahagi ng isang smear campaign na isinagawa ng mga hindi na nasisiyahang dating tagasunod.

Napag-alaman na ang legal na koponan ni Quiboloy ay nagsumite ng kahilingan para sa hospital arrest gayunpaman, tinanggihan ito ng Pasig City Regional Trial Court noong Oktubre, at nagdesisyon na manatili si Quiboloy sa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang kanyang paglilitis.

Mananatili siya sa ilalim ng pangangalaga ng pulisya habang ginagamot sa ospital.