Dagupan City – Matagumpay na ginunita ang ika-125 anibersaryo ng labanan sa bayan ng San Jacinto

Kung saan nagsagawa ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng programa bilang pagpapakita ng pasasalamat at pagpaparangal sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay upang ipagtanggol ang kalayaan laban sa mga mananakop noong 1899.

Ang programa ay isinagawa sa pamumuno ng lokal na pamahalaan at sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor ng komunidad, PNP, BFP, at mga department heads ng lokal na pamahalaan.

--Ads--

Idineklara naman ng lokal na pamahalaan ang November 11 bilang “Battle of San Jacinto Memorial Day” sa bisa ng isang resolusyon. Ang araw na ito ay magsisilbing paalala sa mga susunod na henerasyon ng tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan.