“Politically motivated”
Ito ang naging komento ni Vice President Sara Duterte sa congressional investigation ng House of Representative kaugnay sa hinihinalang maling paggasta sa pondo ng Office of the Vice President (OVP).
Sa isinagawang press conference sa OVP satellite office sa Bacolod City, binatikos ni Duterte ang House committee on good government and public accountability na nagpataw ng contempt sa apat nitong staff dahil sa paulit-ulit na pagtangging dumalo sa pagdinig.
Aniya, naging abala lamang ang kaniyang mga staff sa paghahanda ng kanilang mga aktibidad para sa 89th anniversary ng OVP sa Nobyembre 15.
Giit din niya, wala naman silang makitang ebidensya sa kaniyang mga pagkakamali at sinusubukan lamang siya hanapan ng pagkakamali at sirain ang integridad ng OVP at ang mga ordinaryong empleyado nito.
Bagaman walang probema ang bise presidente na tanggalin siya sa kaniyang pwesto subalit, nasasaktan siya na maging mga ordinaryong tao na gumagawa lamang ng trabaho ay sinisiraan din.